How i learned about this island? Well wala. Nakita lang namin siya nagtrend sa fb. Nacurios kami. Nagbasa ng reviews at comment. Ayun nafeature na pala siya sa #KMJS so xempre kapag nafeature na for sure patok to at talagang maganda.
Dahil birthday celebration ni jowa at bet nia daw dito e di go kami dalawa. Ayaw ba naman ng tropa , magagaling magdrawing 😂 eh di kami na lang who cares?
Kapag gumagala kami super research muna ako sa lugar na pupuntahan namin kasi mahina ako sa direction at gusto ko kapag pumunta eh lahat nasusulit at nasusuyod. Pero this time ewan ko ba hinayaan ko lang si jowa , naisip ko adventure to ala amazing race churva di namin talaga alam kung san ung lugar. Pero xempre uso naman google at waze. Anjan pa ang mga mababait na pilipinong kahit anu itanong mo di ka pagkakaitan ng sagot. So gow kami. Wala reservation bahala na si ironman na lakad.
3am . April 27 2018 alis sa bahay . Punta sa south station bus terminal. Sampa ng bus batangas pier. (P137 Each pamasahe) 1 and half hour andun na. Xempre madaling araw wala traffic. Pagdating dun we found out mali kami 😂 1980s pa huling may sakayan dun pa isla verde sabi ni manong barker ng bangka. Sabi nia labas kami batangas pier sa may stoplight. Sakay kami dun jip na dadaan ng TABANGAO . Jan yung sakayan na pa isla verde . Sabi ko pa sa jowa ko "kala ko ba tama tong way natin " sabi nia "eh un sabi sa post eh ". Kung sino man ang nagcomment na ang sakay eh batangas pier taz 1 hr boat ride pa isla verde salamat sayo 😂. Anyways balik sa adventure .
To si jowa ayaw nian pababa sakay ng jip dahil mejo malaki siya 😂 (labyu ) eh sabi ni manong dalawang jip sasakyan. At napakahilig netong magtanong kung kani kanino. Ayun para kaming pagkain ng isdang dinumog ng mga trycycle driver dun sa labas ng pier. (Mejo badtrip na ako kasi suplada po ako sa personal 😂) P300 daw ihahatid na kami sa tabangao . Xempre nanlaki mata ko at dahil sanay kami sa tawaran nagtapos kami sa P230 😂 . Sakay tryk. Ang laki ng tryk nila kasya kami dalawang majubis 😂 sabi ni manong driver nakikita nio ung bundok n yan jan tayo punta. Ngstart na kmi mglakbay. Sabi ko bakit ang lamig sa batangas. Unlike satin sa cavite impiyerno 😂 . Kakamangha din. Ang batangas may oil depot na kasing laki ng araneta coliseum pero nagtataka ako same price ng oil nila sa manila. (Wala maisip ko lang isingit 😂)
Siguro around 20 minutes ung travel time namin. Sakto alas sais andun na kami sa tabangao. Maliit na port lang siya. May lalapit na sayo barker. Tatanungin ka san ka pupunta. Sabi namin isla verde. Ask nila sang resort. Xempre IslaVerde Tropical Friendly Resort po sabi namin. Sabi ni manong ahh may booking na kayo kay ATE JO? (Sikat talaga si ate sabi sa fb din) sabi namin oo which in fact eh walk in lang talaga kmi 😂
Sulat kami sa log book ni manong. P120 each pamasahe. Eh xempre atribida ako. Sabi ko manong pang 20 pa lang kami tong listahan mo up to 50 so pupunuin?? Sabi nia hindi madam. Basta normal 10am pinakamatagal na oras alis ng bangka. Araw araw pala 5am anjan na sila nagaantay ng pasahero. Once everyday day lang ang byahe so kapag naiwan ka antay ka bukas ulet. (Di pa nga ako naniwla sa sabi sa fb at sa sagot nila ate jo s fb 😂) trulalu pala haha. Di ko naisip ung oras ng alis. Kasi curious pa ang lola mo.
Dun sa pangpang dami ka na din mabibilhan na food and other things na kakailanganin mo sa isla. Dahil nga adik kami mkarating di namin pinansin (sabi din kasi ni jowa for sure meron din nian sa isla) . Kaylangang sumakay ng maliit ng bangka papunta sa malaking bangka na magdadala samin sa isla. SUPER MARIO name ng big boat. (Parang boat na pa puerto galera) may bayad na P20.00 paghatid sayo. Ang galing keri kaming dalawa kahit ang bigat namin. Sabi ko pa paano pg nahulog kami. Sabi ng bangkero wala pa naman po nagkaganyan. 😂
Dun daw kami sa dulo kasi last stop ang isla. May ready na life vest sa taas nakasabit. For safety di ba di natin masabi. Siguro limang big boat ung andun sa mini port. Sabi ni manong bangkero lahat yung pa isla verde depende na lang kung san ka resort nakacheck in. Picture dito picture dun ako. Video ganyan. Nagmake up. Nagmasid s nadating na pasahero. Naginternet. Lahat na. Inip na ako. 😣😂 so mejo naubos patience ko s pagantay umalis ang bangka. 8:45 finally umalis na siya. Puno na kmi. Sabi ko sana wala ng humabol. Gutom na ako eh.
1 and half hour ang byahe. Kala nio sanay na sanay ako sa sea travel? Sang ka sinuot ko bracelet kong rosary and nagdasal ako through out the travel. Kasi po takot talaga ako sa dagat hahaha. Gala lang talaga pero duwag talaga ako. Hahaha at xempre di kami binigo ni dagat. May part na super mega ang alon. Pasok sa loob ang tubig. Binaba na nla ung trapal kasi nababasa ibang pasahero.
Tumigil yung boat sa isang isla. May mga bumaba na din.Sabi nla MAHABANG BUHANGIN na daw kami. Di pa daw dun yung isla verde. Pero infairness ganda ng tubig dagat. Green na green. Super linaw. And unlike sa ibang dagat ng batangas na napuntahan ko. Mukang masarap paliguan to. Then andar ulet ang bangka. Sa kabilang side daw kami ibaba andun dw ung isla verde. So iikot kami. And so aztig pag ikot namin ung tubig sobrang calm para xang pwedeng lakaran. And then finally narating namin ang SAWANG . Mini boat ride ulet kasi mabato sa pangpang. Masisira ang super mario kasi sasayad sa ilalim. (Kala ko may bayad ulet ng bente 😂 unli ride na pala un paghatid samin ) sabi nla konting lakad na lang daw malapit na kmi sa tropical resort.
Naalala ko sabi ni manong bangkero if puno na sa resort pwede kami sa knila P350 per night lang daw. Ang house nila nasa tapat ng Sawang dive camp. So if ever pagpunta nio dun may mga mag aalok din sainyo ng stay. Pero we prefer to go to the resort. Yun talaga bet ng bday boy eh. Pagbigyan 😂 sa shore dami nagaantay na motor (single) P20.00 per ride dadalhin ka na sa resort. We choose to make lakad 😂 kuripot. Charot. We want adventure di ba. Bago kami maglakad may nagtitinda ng ng ice candy P7.00 chocolate flavor. Sarap. Pantawid uhaw at gutom kasi 11 na po. Huling kain namin gabi ng 26 pa so imagine 😂 . Picture picture na naman ako. Galit na photographer dahil tirik na tirik po ang haring araw. Its around 20 minutes walkathon. Di ka maliligaw kasi ung mga resident sobra accommodating at ituturo talaga sayo.
And finally we are here!!! Sarap !! Ganda!! 😱😱😱 tapat ng dagat ung resort. (Check nio na lang pics dto ) presko. Pasok kami at hanap ng receptionist. Nakilala namin si kuya/ate DIETHER . You can call her/him diet for short 😂 . Sabi nia mukang dehydrated na kayo at gutom. Wait kayo jan sa kubo pakuha ako ng water and food. 😂😂😂 trulaley yun itsura namin dami dala then pagud at haggard sa byahe. Ang relaxing ng kubo. Duyan on the side ung upuan. Dami puno at over looking ang calm beach THIS IS VACATION!!! Napawi lahat ng pagod.. if you want to go here. Better call them for reservation. Kami we have tent and that is P300.00 per night pitch in ang tawag nila. May free unan kami. Super bait kasi ni ate diet. She found out kasi bday ni jowa at ang dami nilang in store for us na in the house!!!
Sa labas ng cafe makikita mo si JONNELLE, the monkey. Mejo magugulat ka lang kasi maririnig mo siya padaan daan back and fourth sa kawayan na pinagdudugsong ng dlawang puno ng mangga. Nakikipglaro siya sa mga guest and pwede mo siya pakainin. Sabi ni ate diet gay daw si jonnelle kasi she prefer to play with boys and pag girls mejo galit siya 😂 hanggang pic at vid lang ako saknya. Haha
Tinulungan kami ni ate diet mag set ng tent. Super chikka na kami of course at andami niang kwento samin. Pati ata buhay nia nakwento na nia. 😂 eto siguro dahilan bakit sikat sila. Their entertainment , hospitality sa guest? Dito mo lang mararanasan. Ive never been to an island like this. Ung bang mageenjoy ka na lang talaga. If you need anything tawagin mo lang sila . They have around 5 persons na mag aassist sayo. Customer service nila is 5 star definitely recommend ! Promoter! Nga pala P100.00 entrance sa resort per person. P300.00 naman for the tour guide.
Then niyaya nia kami sa sawang dive camp. Snorkling daw kami. After we put our swimming attires, lakad na kami. Ako si jowa si ate diet ksama of course si bugoy. Ganda ng dagat. Mababaw pa lang my corals na at fishes. Sabayan pa ng nice sunset. It was a perfect view talaga. I didnt bring my camera with me (wala din pic) you better experienced it with your own eyes. Dahil duwag ako sa sknorling (feeling ko kasi my lalabas na shark) si jowa ang nagsawa. 2 hrs siya. Manghang mangha sa ilalim ng dagat. Dami nia daw nakita fish; sea urchin etc. Next time bibili na kami under water cam. Paglubog ng araw mga 6 we decide to back na.
After magbanlaw ayan magpapataba na naman sa masarap na dinner na inihanda ni ate jo. We have chicken adobo in kamias. Kakaiba right? Pero as usual winner ang lasa. Sabi nga ni ate jo two more days at tataba pa kami lalo. True enough sa sarap nia ba naman magluto. Sabi ni ate diet passion kasi ng tita nia (mother nia and ate jo are sisters) her moms in japan. So alam nio na secret kung bakit ganun ang cafe nila.
Sobrang sweet nila. They have prepared a japanese greeting card for my hubby. Ganda ng penmanship ni JAJA. Kya kayo punta kayo dto pag bday nio. Di nio alam whats in store for you. Kaya sabi nga ni jowa. We will go back here for sure. Nung gabing yun naginuman kami nila ate diet. At di matapos na kwentuhan about sa island at sa; personal life nia. Sarap ng inom. Prang di ka malalasing. Fresh air, over looking sa beach and nice company. Siguro natapos kami mga 12am na
Nga pala dont forget to bring off lotion. Mind you this is an island. Wala aircon. If you want u can bring portable efan. Powerbank din. Pero sa umaga nakakapagcharge kami. My charging station sa labas ng cafe na for everyone and for free.
2nd day. we woke up at around 6am. Picturan time. Habang tulog pa ang lahat. Mega picture ako s buong resort. Kasama namin si bugoy dahil maaga din siya magising. 7am lalabas n mga assistant nila to clean the whole place. You can tell them what you would like to order as long as meron sila. We ordered coffee and japanese noodles. Pero xempre my prepare pa din food si ate jo for us which is itlog na pula with kamatis and japanese ham ba yun😂 with leche flan on the side. Sarap ng rice nila baka japanese din to haha.
Niyakag kami ni ate diet to go with the other groups na nagcheck in. Pero dahil nalate kami ng bfast sbi namin sunod kami. Punta daw sila sa MAHABANG BUHANGIN. pero after namin mag bfast. Wala na. Masyado na kami na relax. Habang nagchacharge ng mga phones and powerbanks. (Kasabay pa ng free call , text at surf ni globe ng araw na yun) ayun. Humilata na lang kami sa kubo. Siguro mga 10 we decided to swim. Humiram kami ng sknorkling mask. Nagligo kami sa tapat mismo ng resort. Dahil high tide sabi ko kay hubby bumalik kami sa sawang dive camp. Kasi masarap maligo dun. Sobra linaw ng tubig. Magnda buhangin at may kakapitan ka lubid 😂😂 (dun nakadaong ung super mario ) kahit marunong kasi ako lumangoy takot talaga ako sa dagat. Hahaha sorry na po. At dun ako nagka tan lines. 10 to 12 ng tanghali; ba naman. Ang lamig ng tubig kasi di mo mapapansin si sunny sun. May nakilala pa kami nag stay sa kabilang resort. Tinuruan ni hubby mg snorkling. Sobrang naenjoy nila ayaw n ata nila ibalik ung mask 😂 nakaramdam na ako ng gutom kaya sabi ko balik na kami.
Pagdating namin sabi ni ate jo malamig na tanghalian namin. Haha kahit malamig na di kami binigo ng gatang yellow fin at nilagang baka nia. Kaloka. Sarap. Alam nia bet namin ang maanghang kaya ayun daming extra rice 😂 around 2pm ngstart na kmi maginom ng red horse. Sobra sarap n nmn ng pulutan na relyenong bangus. Juskopo kapag dito ako tumira lolobo na naman ako 😂 around 6 cguro dumating na si ate diet to join us for another inuman session haha. May iba pa kasi siya iniintindi na guest . Di lang naman kami andun no haha. Di na nga kami nakapagdinner dahil sa dami ng food at drinks. Siguro 11pm natapos na kmi at sleeping time na.
Supposed to be sasakay kami ng bangka 3am dahil yun ang usual na oras daily ng pag alis pbalik ng tabangao port. Pero we decided to go with the other guest na 12pm n lng kami alis. Rent kmi ng isang boat mgdadala smin pabalik. P2500 Ang rent sa boat. 12 kami ng hati hati so around P210 per person.; Bago kami sumampa sa bangka nilibot muna namin ang isla for the last time. Ayaw n maligo ulet ni hubby. Ako naman eh dahil wla ng damit 😂 ewan ko ba bakit kulang dala ko hahah
Bumalik kami sa sawang kasi may promise kami kay ate tindera dun na bibili kmi sknya ng pasalubong. We bought hopiang yema (sobra sarap ) 16 pcs isang box worth P150.00 bumili din kami champoy P20.00 isang balot (featured sa KMJS eh) and the other one i forgot the name. Basta gawa daw sa tuba ng buli para daw xang panutsa na matamis. Nakabalot sa dahon ng niyog worth P70.00 dalawa. Bumili din kami kalamay worth 75.00 nakalagay sa microweable dun sa naglalako ng ice candy na ale. Pumunta din kami sa court ng brgy. May tindahan dun na mdami ka mabibili. Almost andun lahat. My souvenirs din cla na shirt worth P200.00 pd ka din magcharge dun pero my bayad xempre.
Dahil dinagsa ng guest dahil sunday na. Corned beef ng spicy na lang ang naabutan namin for bfast hehe. Ok lang yun ganun talaga. Masarap pa din. After that nagligpit na kami ng tent and nag ayos na nag gamit. We are about to go home na. Pinakain muna kami ng masarap ng lunch . Grilled pork chop and grilled tulingan.; Mamimiss ko ang luto at pagaasikaso nila sobra. Sabi nga ni jaja wag na daw kami umalis. Kung pwede lang girl. Dont worry babalik tlaga kami. Dahil si hubby di pa nadidive yung kinukwento ni marvin (isa sa tour guide ng resort) yun palang tapat ng resort is center for marine bio diversity. Di papayag to na di nia yan makikita.
Pag magcheck out ka na dun ibibigay sayo ung bill mo na may break down ng lahat ng nakuha nio and all the fees. In our 3 days and 2 night stay for two. Guess what. Only for 4k. Sobrang sulit ng price considering their hospitality and great food. Di kami nagsisi sa binayaran namin.
Thanks a lot ate diet , ate jo, bugoy , jaja , marvin at sa iba nio pang staff. Naenjoy namin sobra ang trip na to. And ipagkakalat ko sa iba na dapat talaga puntahan nila ang isla nio. Ate diet im so amazed with your accomodating skills. So genuine mo and hindi ka madamot. Nung fineature kayonsa KMJS sbi mo wag lang ang resort nio kundi ang buong isla. Sisikat siya lalo dahil sa mga taong kagaya mo. Sana magkalove life ka na. Charot. Ate jo continue lang po ang pagluluto ng msarap. Jaja magbati na kayo ni jonnelle hahaha. Sipag at napakaorganized mo. Smile ka mas madalas ha. Marvin hanga ako sayo bata ka. Sana makatapos ka ng college. Galingan mo pagtotour guide ha. Thanks a lot ISLA VERDE TROPICAL FRIENDLY RESORT. your name speaks for it self. Tropical resort with a very friendly staff. Youll have a lot of loyal customers coming pa. Pagbalik namin mag dive na kami at punta sa iba pang spot jan. Hopefully within this year din.
maraming salamat sa inyo
ReplyDeleteHahaha natapos ko din ang haaabbaa. Plano din po nmin pumunta ng isla verde thanks po sa kuwento
ReplyDelete